Skabeche - Turuan Mong Umibig Ang Mga Bata текст песни

Все тексты песен Skabeche

[Words by: Noel Salonga]

Turuan mong umibig ang mga bata
Turuan mo sila
Turuan mong magmahal
Pag-ibig na may dangal

Huwag mong hayaang pumatak ang ulan
Sa mata ng mga bata sa iyong kandungan
Takpan mo ang dilim na hatid ng ulan
Ilatag mo ang araw sa kanilang daraanan

Ikaw ang ulap at kanilang bubong
Yakap ng pag-ibig sa musmos ay ihandog
Pagmamahalang inasam ng panahon
Ay madarama mo na sa buong maghapon

At turuan mong umibig ang mga bata
Turuan mo sila
Turuan mong magmahal
Pag-ibig na may dangal

Kamatayang dala ng katandaan
Bahaghari ka sa iyong paglisan
Sagisag ng pag-ibig at pag-asa
Dakilang guro ng mga bata

Bip bip bip padididap didum…

Malapit na ang araw
Araw ng pagsilang
Ng wagas na pag-ibig
Na ating natutunan

At turuan mong umibig ang mga bata
Turuan mo sila
Turuan mong magmahal
Pag-ibig na may dangal

ДОБАВИТЬ ТЕКСТ В ЛИЧНЫЙ СПИСОК

Комментарии

Имя:
Сообщение:

Слушать песню «Turuan Mong Umibig Ang Mga Bata»

Смотреть клип «Turuan Mong Umibig Ang Mga Bata»

Смотреть клип на песню Skabeche - Turuan Mong Umibig Ang Mga Bata

Популярные тексты Skabeche

1 Kaibigang Hangin